Ang mga Katoliko ba Sinasamba ang mga Imahen?

Dibat sinabi ng Diyos , “Do not turn to idols or make for yourselves molten gods: I am the Lord your God”? 

Pero tayong mga Katoliko ay may mga Imahen o Rebulto na naka display sa ating mga Simbahan. Sabi ng iba nilalabag daw natin ang nasusulat gaya ng Exodus 20:4 at iba pa.

Ngayon ang topic natin ay about sa pag gawa ng Statues o Rebulto. Ayon sa (Leviticus 19:4) bawal daw ito at kontra sa aral nating mga Katoliko ito ang nakasulat. “Do not turn to idols or make for yourselves molten gods: I am the Lord your God”

Alam naman natin na ayaw ng Diyos na gumawa tayo ng Imahen o Rebulto na Diyos-Diyosan. Pero ang tanong nilabag ba ng mga Katoliko ang nasusulat sa pag gawa ng mga Imahen o Rebulto?

Nilinaw na ito sa Catechism of the Catholic Church na ganito ang nasusulat. “in the Old Testament, God ordained or permitted the making of images that pointed symbolically toward salvation by the incarnate Word: so it was with the bronze serpent, the ark of the covenant, and the cherubim” (CCC 2130).

Pinayagan ng Diyos na gumawa ng Imahen gaya Bronze Serpent, Ark of the covenant at Cherubim. Ito ay hindi labag sa kanyang utos na bawal gumawa ng Imahen o rebulto dahil hindi naman ito sinasamba o Diyos-Diyosan. Ang Veneration of Images naman ay hindi din kontra sa First commandments na explain narin ito sa Catechism of the Catholic Church na ganito ang nasusulat. “Christian veneration of images is not contrary to the first commandment which proscribes idols. Indeed, ‘the honor rendered to an image passes to its prototype,’ and ‘whoever venerates an image venerates the person portrayed in it.’ The honor paid to sacred images is a ‘respectful veneration,’ NOT the adoration due to God alone” (CCC 2132).

Ang pag samba ay sa Diyos lamang at alam ito ng mga kapwa nating Katoliko. Ang pagbibigay galang sa Imahen ay pagbibigay galang sa kung sino man ang nirerepresent ng larawan o imahen hindi pag samba o worship na tanging sa Diyos lang binibigay. Malaki ang pinagkaiba ng Pagans at Christians. Ang mga kulto ay sumasamba sa diyos-diyusan pero ang mga Christian veneration ay dumedepende sa intention ng isang tao. Tayong mga Kristiyano kahit na nag darasal tayo sa harap ng isang larawan ito ay pagbibigay galang sa Diyos o sa mga Saints. Praying to the person “behind” the image rather than the image itself. Kahit na wasakin nila ang mga Imahen, Sunigin at iba pang kalapastanganan. Wala ito epekto sa pananampalatayang Katoliko dahil hindi naman dumedepende ang nga Katoliko sa mga Imahen or rebulto. It is simply a representation of God (or a saint) and is a material object.

Kaya kahit kelan kahit anong batikos satin ng nga sektang nagkalat ngayon wag kayo madadala sa mga bibig na sinasalita nila na akala niyo ay tama. Magsuri at intindihing mabuti. Hanggang dito na lamang po.

Ref/Source/©:
1. Vatican.va
2. Aleteia English

Subscribe to our YouTube Channel:http://www.youtube.com/c/DefendtheCatholicFaithVanguardsofTruth

Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/defendcatholicfaith

Follow us on Twitter: https://twitter.com/DCFVanguards

Visit our website: http://defendthecatholicfaith.pcriot.com/

#DCFApologetics #SolutaEstVeritas #Amen

Share this:

Leave a Reply