6 SIMPLENG TIPCS SA PAGHAHANDA PARA SA PASKO SA PANAHON NG ADBIYENTO

By: Admin FMM aka Frances Mary Margaret + AMDG +

Ano nga ba ang tamang paghahanda para sa pasko?

Karamihan sa ating mga Pilipino ay masyadong abala sa mga bagay na nakagisnan na o nakaugalian na. Mga handaan, iba’t ibang Christmas parties sa opisina at mga kaibigan o kakilala, family reunions, travel o outing at iba pa. Pero ating balikan bakit nga ba may Pasko? 
Hindi ba’t ito ay dahil sa pagsilang ni Kristo at dahil sa pagsilang ng Panginoong Hesu Kristo na Panginoon at ating Diyos, tayo ay naligtas. At ang pintuan ng langit na dati ay nakasara sa sangkatauhan ay nabuksan ng dahil sa Kanya. Kaya ngayong darating na pasko o sa araw ng pagsilang ng ating Tagapag-ligtas, nararapat lamang na ibigay natin ang regalo sa Kanya na inaabangan Niya – at iyon ay ang regalo ng ating sarili tulad ng ginawa ng ating kalinis-linisang Ina na ginugunita natin sa ebanghelyo ngayong araw kung saan buong puso at buong pagkatao niyang inialay ang sarili para sa plano ng Diyos Ama sa Langit at iyon ay ang pagsalba sa ating mga kaluluwa.
Ngunit paano nga ba tayo magiging kaaya-aya sa paningin ng Panginoong Hesukristo? Narito ang ilang mga tips mula sa homily ni Fr. Randy Ladra sa misa ngayong Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary na ginanap sa St. Padre Pio of Pietrelcina Chapel, Quezon City.

1. Magdasal at Magmuni-muni.

Ang pagdarasal ay isang “pag-uusap” ng Diyos at ating sarili. Ang Panginoon ay gusto tayong makapiling sa pananalangin ng tahimik. Dahil ang lengguahe nga ating Panginoon ay “SILENCE” o katahimikan at doon lamang natin Siya pinakamadarama at maririnig.

2. Magbasa

Bibliya o kahit anong libro na may kinalaman sa buhay espirituwal. Maari ring magbasa ng buhay mga Santo or “Lives of Saints” sa internet at ito rin ay libre lamang basahin basta may connection or wi-fi.

3. Say “No”

Wala namang masama sa mga parties at reunions at minsan talaga ay dito lang nagkakatipon tipon ang magkakamag-anak na matagal nang hindi nagkikita. Pero sana sa bawat pagtitipon ay maalala si Kristo sa panalangin o kaya ay pwede ring subukan ang Bible Sharing ng isa’t isa. Pwede pa ring namang humindi sa mga parties at reunions at gatherings. Makakatipid pa kayo. Kay Kristo, walang bayad na makasama siya sa inyong pagdarasal at pagbabasa kasama Niya.

4. Makinig ng Christmas Music o Manood ng mga Religious Films
Isang simpleng paraan para lalong mas madama ang pasko sa mga tahanan ay ang makinig ng musika. Pwede ring manood ng mga religious films or videos sa youtube na madali namang mapanood ng libre at kahit nasa bahay lang.
5. Tumulong sa Kapwa ng Galing sa Puso

Napakaraming nangangailangan sa panahon ngayon. Maraming batang nagugutom at walang makain ang mga pamilya. Ito ay panahon para maibahagi natin ang mga natatanggap na biyaya mula sa puso. Kahit maliit lamang basta bukal sa kalooban at sa ngalan ni Kristo natin gagawin ay kaaya-ayang paghahandog para sa Kanya.

6. Magsimba
Ang mass ay tinatawag ding “Eucharist” na ang ibig sabihin ay “Thanksgiving” or “Good Grace”. Kaya rin ito tinawag na good grace si Kristo ay ang pinagmumulan ng kung bakit tayong lahat ay imbitado para makasama niya na makapasok sa kaharian ng Diyos Ama sa Langit. “The grace of God is eternal life”. Dahil dito sa pagkabuhay, pagkamatay at pagkabuhay muli ni Kristo tayo ay naisalba at nararapat lamang na tayo ay magpasalamat sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo sa “highest form of prayer” at ito ay ang Misa. Dito ay aalalahanin din natin na dahil sa lubos na pagmamahal ng Diyos, na kahit tayo ay nagkasala at mga makasalanan, inaanyayahan pa rin Niya tayo sa pamamagitan ni Kristo na makasama Niya at mahalin ang Diyos dito sa lupa hanggang sa langit habang buhay.

Amen! +

Share this:

Leave a Reply