Ang Santo Papa po ba ang tinutukoy sa Pahayag 13:18 na 666? By: Admin Marian Apologist

To be honest mga kapatid, nakakahiyang aminin, sa bagay nung mga panahong iyon ay inosenteng 2nd year high school lamang ako na may edad na 12, na napaniwala ako sa mga pinagsasabi sa akin ng aking class mate at kababata na isang INC, na diumano daw ay ang tinutukoy na “BEAST” na may pangalan na ang bilang ay “666” ay walang iba kundi ang Sto. Papa sa Roma. Nakakainis isipin na kay dali kong natangay nuon, palibhasa, hindi pa ako marunong gumamit ng internet kaya, ayun nangyari. Pero hindi po ang kasaysayan ng buhay ko ang paksa natin dito 😀 we will answer the false accusations of the enemies of the Church trying to deceive people and to drive those innocents far away from the truth. We will expose their heresies and lies, proving to them the beast mentioned at Rev. 13:18 is not his Holiness, the Pope.

I. Computation ng mga Sabadista

Si Ellen G. White na ISA SA MGA NAGTATAG NG IGLESIA SABADISTA ay inimbento ang titulong Vicarivs Filii Dei para sa Papa, nakasulat daw yun sa Tiara 😀. At pagkatapos ang ginawa ay kinompyut iyon gamit ang Roman numerals. Ang resulto 666 ang lumabas. Kaya nagkaroon siya ng konklusyon na ang tinutukoy sa Rev. 13:18 na Halimaw na may name na ang bilang ay 666 ay ang Sto. Papa. Narito ang ginawa niyang computation:

V = 5
I = 1
C = 100
A = 0
R = 0
I = 1
V = 5
S = 0
___________
112

F = 0
I = 1
L = 50
I = 1
I = 1
________
53

D = 500
E = 0
I = 1
________
501

Ang totoong total niyan ay 664 ngunit dahil sa walang “U” sa Roman alphabet yung “V” ay binabasa minsan as “U”. Eh ang katumbas na number ng V ay 5 kaya ang naging total ngayon ay 666.

II. Vicarivs Filii Dei: Titulo ba ng Sto. Papa?

Dapat malaman ng lahat, lalo na ng mga Catholico, na ang Vicarivs Filii Dei, kailanman ay hindi naging titulo at mas lalong hindi naging opisyal na titulo ng Sto. Papa. Inimbento lamang iyan ni Mrs. Ellen G. White. Maraming opisyal na titulo ng Sto. Papa na alam halos ng lahat, halimbawa nit ay ang VICARIUS CHRISTI (Vicar of Christ), SERVUS SERVORUM DEI (Servant of the Servants of God), PONTIFEX MAXIMUS (Supreme Pontiff) and SUCCESSOR PETRI (Successor of Peter). Ang tanong lamang s amga mapanirang puri na ito ay bakit hindi nila ginamit at kinalkula ang mga titulong ito. Simple lang, dahil hindi ito aayon sa kanilang masasamang pag-iisip! Ngayon, kung sakaling ipagpipilitan nila ang mga masasamang paratang nila laban sa Papa ay mas mabuting maglabas sila ng conciliar statement, papal decree, ecclesiastical letter o kahit anong opisyal na dokumento ng simbahan na TINAWAG NG STO. PAPA ANG KANYANG SARILI AS, VICARIUS FILII DEI! Kung wala silang maipakita at talaga namang wala, dapat itigil na nila ang pagkakalat ng ganitong klaseng walang kabuluhang paninira!

By the way, ano po ang sabi duon sa verse? ” the NAME of the beast or the number of his NAME ” (Rev. 13:17). Yun po pala, pangalan ang hinahanap HINDI TITULO. Hindi po pangalan ng Papa yung titulo niya. Sana alam nitong mga ito ang pinagkaiba ng PANGALAN sa TITULO. Pero may bagong pakulo sila, natupad daw yung pangalan ng isang tao na ang number na katumbas ng pangalan ay 666 sa katauhan ni Pope St. John Paul II 😉 Sa latin daw po kasi ang name niya ay IOANES PAVLVS SECVNDO na pag tinumbasan gamit ang Roman Numerals ang lalabas ay 666. Nakakatawa po talaga ang pagiging double standards ng mga erehe na ito. Sa loob ng mahaba at matagal na panahon ay ibinibintang nila ito sa bawat papa na uupo, sabay nung maghokus-pokus ulit sila sa name ni San Juan Pablo Ikalawa ay sinabi nila na natupad lamang sa katauhan nung Papa, halatang double standards eh! Ang aklat ng Apocalipsis o Pahayag ay naisulat into Greek, so kung hahanapin natin ang name nung beast dapat ang gagamitin ay Greek or Hebrew numerals.Direct to the point tayo mga kababayan, ang 666 diya ay tumutukoy kay Nero Caesar (Neron Kesar), makikita natin iyan kapag ating kinalkula ang PANGALAN (Hindi Titulo) niya na ang KATUMBAS NA BILANG ay 666 gamit ang HEBREW NUMERALS pero pag latin numerals ang ginamit dyan ang lalabas lang ay 616. Akma ito kung ipapatungkol kay Nero Ceasar, dahil nang panahong isnusulat ang Apocalipsis ay kasalukuyan namang pamumuno ni Nero.

“I have seen hosts of Arabian and Indian wild beasts; but as to this wild beast, which many call a tyrant, I know not either how many heads he has, nor whether he has crooked talons and jagged teeth. In any case, though this monster is said to be a social beast and to inhabit the heart of cities, yet he is also much wilder and fiercer in his disposition than animals of the mountain and forest, that whereas you can sometimes tame and alter the character of lions and leopards by flattering them, this one is only roused to greater cruelty than before by those who stroke him, so that he rends and devours all alike.

And again there is no animal anyhow of which you can say that it ever devours its own mother, but NERO is gorged with such quarry.”(Philostratus, Life of Apollonius, 4:38)

Isa pa pong punto ang dapat nating mapansin sa verse 13;18 ng Revelations: ” sapagka’t siyang bilang ng isang tao ” Ano sabi? Bilang po ng ISANG TAO. Isang tao lang po ang tinutukoy dyan hindi marami. Ilang Sto. Papa na po ang naupo at lumipas? 265 pang 266 si Pope Francesco. Kung ipagdidiinan parin nila yung mali nilang interpretation ay dapat baguhin na nila yung Verse, eh ang sabi po kasi duon “ISANG TAO” isang indibidwal lang ang tinutukoy hidi marami, edi kung mas magaling sila sa Biblia ay dapat palitan na nila iyon ng “BILANG NG MGA TAO”

Hindi lang po ang mga Sto. Papa ang biktima ng misinterpretation ng verse na iyan na pinasimulan ni Mrs. Ellen G. White, pati si Barney biktima din 😀 Hahahaha Tingnan natin:
CVte pVrpLe DInosaVr, try nyo iadd lahat lalabas 666. Wow, edi pala dapat na natin pagbawalan ang mga anak natin na manood ng Barney kasi anti-christ pala si Barney…Kung gagamitin natin ang baluktot na pangangatwiran ng mga slanderes na nagkalat ngayon! Kung matino tayo, hindi natin gagamitin yun. 😀 Isa pa, maraming mga pangalan na pag kinompyut mo sa Roman Numeral ay 666 ang lalabas, does it mean na yung mga taong nagdadala ng names na iyon ay mga anti-cristo din? Absurd!

III. Ellen G. White: Papasa ba sa Rev. 13:18?

Well, ang mga pangunahing punto sa Rev. 13:18 ay:

1. Ang hinihiling ay PANGALAN hindi titulo
2. Pangalan ng ISANG TAO na ang katumbas na bilang ay 666

Sige, subukan po natin ngayon;

E = 0
L = 50
L = 50
e = 0
n = 0
_________
100

G = 0
o = 0
V = 5
L = 50
D = 500
_______
555

VV = 10
h = 0
I = 1
t = 0
e = 0
________
11

Ang total po ay tumataginting na…666 lang naman po. 😀 hahahahaha. Dahil wealang “U” sa latin kundi ang ginagamit ay “V” yung “W” sa surname nya ay irerepresenta natin ay ” Double V” (VV) katumbas nun 10, kasi ang V sa Roman numeral ay 5. Pasado po ba si Mrs. Ellen G. White sa sinasabi sa Rev. 13:18? Batay po sa nakita ninyo, PASADONG PASADO PO.

IV. Ano ang Sinasabi ng Mga Protestant Bible Scholars?

Hindi na namin hahabaan sa part na ito, basahin na lamang po ninyo:

“ No good or knowledgeable scholar would suggest that the “beast” is the Pope or Stalin or Hitler or any other modern figure. Rev 13 was clearly aimed at first-century B.C.E. Roman emperors. It is a distortion to identify, as is often done, the images in Daniel 7 or Revelation as modern-day individuals. They referred to historical individuals at the time of the author only, such as Nero and Domitian. ” (Doctor Charles Eugene Ulrich, Old Testament Scholar & Chief Editor of the Biblical Scrolls)

“I have seen hosts of Arabian and Indian wild beasts; but as to this wild beast, which many call a tyrant, I know not either how many heads he has, nor whether he has crooked talons and jagged teeth. In any case, though this monster is said to be a social beast and to inhabit the heart of cities, yet he is also much wilder and fiercer in his disposition than animals of the mountain and forest, that whereas you can sometimes tame and alter the character of lions and leopards by flattering them, this one is only roused to greater cruelty than before by those who stroke him, so that he rends and devours all alike.

And again there is no animal anyhow of which you can say that it ever devours its own mother, but Nero is gorged with such quarry.”(Philostratus, Life of Apollonius, 4:38)

“ No. The beast is part of the idolatry of the world. ” (Dr. Darrell Bock, New Testament Scholar and Research Professor of New Testament)

“No, I do not believe that. And you do not have to be an expert to see that. Rome is context of Rev, but I lean into the direction of ancient Rome, not Catholic church.” (Peter Shirokov [an evangelical scholar], Associate Professor of Jewish Studies)

“No I do not. Most New Testament scholars do not read Revelation that way.” (Prof. Danny Zacharias [Protestant Professor], Assistant Professor of New Testament)

V. Konklusyon

Base sa mga nakita natin ay walang duda na panay paninira lamang ang ibnabato nitong mga Fundamentalist Anti-Catholic Heretics laban sa Simbahan. Ang nakakahiya pa dito ay pinulot lamang nila ang mga argumento na ito mula sa isang Propetisa kuno na ang mismong pangalan ay katumbas ng 666. Kaya, mga Catholico, huwag padaya, pag-aralang mabuti ang ating Doktrina at Katesisimo na nakaugat ng matibay sa Biblia at sa Oral apostolic tradition na natanggap ng simbahan mula sa mga Apostol.

Ad Majorem Dei Gloriam!

Soluta Est Veritas!
Subscribe to our YouTube Channel: http://www.youtube.com/c/DefendtheCatholicFaithVanguardsofT…

Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/defendcatholicfaith

Follow us on Twitter: https://twitter.com/DCFVanguards

Visit our website: http://defendthecatholicfaith.pcriot.com/

SOLUTA EST VERITAS! PLEASE SHARE!

#DCFApologetics101

Share this:

Leave a Reply