BAKIT DAPAT TAYONG MAGPATAWAD?

Dcf kuya Gian
+ Maaring sabihin mo na: “Hinding-hindi ko siya patatawarin. Hindi ko malilimot ang lahat ng kasalanan niya sa akin.”

O kaya naman….

“Wala akong kasalanan. Bakit ako hihingi ng tawad?

Maraming tao ang nahihirapang magpatawad dahil sa bigat ng kanilang damdamin o kaya naman sa dahil sa tindi ng naidulot ng kasalanang nagawa sa kanya ng kapwa. Bilang mga tao na minsan ng nahulog sa bitag na kasalanan, nahihirapan tayong magpatawad.

Pero hanggang kailan tayo mananatiling nakatago? Hanggang kailan tayo mamumuhay ng may iniiwasan? Hanggang kailan natin pananatilihin ang poot at galit sa ating mga puso? Hanggang kailan natin ipagkakait ang pagpapatawad? Hanggang kailan tayo iiwas sa pagmamahal sa nakasakit sa atin?

Sa totoo lang, ang pagkalimot sa kasalanang nagawa ng kapwa ay nangyayari lang sa mga bata. Pagkatapos mag-away, magkakabati na muli sila. Masaya at tila ba walang nangyaring di pagkakaunawaan sa kanila. Tayo din, tayo na nasa mga wastong gulang na ay inaanyayahan na magpatawad. Kapag ba nag patawad ka, malilimutan mo na ang kasalanang nagawa sa iyo ng iyong kapwa? Siyempre hindi naman. Pero ang totoo, kapag nadama mo at ibinigay mo ang totoong pagpapatawad, ay kahit na makita mo ang taong nakasakit ng damdamin mo ay hindi kana masasaktan pa sa kung ano pa man ang nagawa niya sa iyo sa nakaraan. Ang pagpapatawad, hindi lang ito pagbibigay ng pahintulot sa kapwa na wala na siyang atraso sa iyo, kundi ang pagpapatawad ay kapatid din ng paglaya. Palalayain mo ang nakasakit sa iyo, and at the same time ay palalayain mo ang sarili mo sa poot, galit, at hinanakit sa kapwa. Palayain mo ang sarili mo sa pagkaalipin ng sama ng loob. Alam ko na hindi madali magpatawad. Subalit makakaya mo ito pautay-utay. Alam ko na maraming beses kang lumuha sa pagkimkim ng sama ng loob. Kapatid, subukan mong muli na buksan ang puso mo sa pagpapatawad. Masarap kapatid mabuhay ng masaya, tahimik, at mapayapa. Ang pagpapatawad ay paanyaya sa atin ng Diyos upang mabuhay ng maligaya. Hindi ba’t lagi tayong humihingi ng patawad mula sa Diyos? Dahil tayo ay mga makasalanan na nangangailangam ng awa at habag ng Diyos. Kung ang Diyos nga lago tayong pinapatawad sa mga pagkalamali natin sa Kanya at sa kapwa natin. Tayo pa kaya? Tao din lang tayo at sila na kapwa nangangailangan ng awa, habag, at patawad. Matutunan sana nating magpatawad. Huwag na natin pang intindihin ang sinasabi pa ng iba. Magtiwala lang tayo sa Diyos at magkakaroon tayo ng kapanatagan. Kung sakali mang may mga tao na may sama ng loob sa atin, kausapin natin sila ng sarilinan at subukang ayusin ang gusot na namamagitan. Kung ikaw naman ang nagkamali, aminin mo na nagkamali ka at humingi ka ng tawad. Hindi naman ito nakakababa ng pagkatao. Ang mahalaga ay maayos ang lahat. Hindi ba’t masaya kapag nagpapatawad? Wala kang kinasasamaan ng loob. Wala kang iiwasan. Sikapin natin kapatid na magpatawad. Makakaya natin ito sa tulong ng Diyos. Manalangin ka palagi at magpakatatag. Ipanalangin mo din ang mga umuusig sa iyo na matutuhan din nila na magpatawad at magmahal. Amen.

Share this:

Leave a Reply