Bakit pa ako magsisimba e pagka labas ko ng simbahan at pagkauwi ko magkakasala din naman ako. Pwede namang mag dasal nalang ako sa bahay! Besides mas masasama pa nga yung mga taong simbahan minsan e may pari pa nga nang rape tapos mga mapanghusga sila.

By: Admin Coco, Apologist

Photo by: Carlo Cortez
Ang inyong nabasa sa itaas ay kadalasang dahilan ng mga taong “ayaw o tamad mag Simba”.
 
Sagutin natin isa isa ang kanilang mga “Unacceptable Reason”.
 
1. BAKIT PA AKO MAGSISIMBA E PAGKA LABAS KO NG SIMBAHAN AT PAGKAUWI KO MAGKAKASALA DIN NAMAN AKO ULIT.
 
Sagot: Kung ganyan ang Reason mo na ayaw mong mag simba dahil magkakasala kapa din ulit ay sana “HINDI KANA KUMAKAIN KASI IDUDUMI MO RIN NAMAN”, sana “HINDI KANA NAGTATRABAHO PARA KUMITA NG PERA MAPAPAGOD KA DIN AT MAUUBOS DIN NAMAN ANG KINIKITA MO”, sana “HINDI KANA NATUTULOG KASI GIGISING KA DIN NAMAN”.
 
Malamang mapapaisip kayo na napaka Illogical ng sagot pero kung iintindihin mong mabuti ay related ito sa dahilan mong “hindi kana nagsisimba dahil magkakasala ka din naman”.
 
Ang dating e dahil mas nakakalamang si Satanas sa Puso mo therefore hahayaan mo nalang na siya na ANG TULUYANG MAG HARI SA PUSO AT ISIP MO YAYAKAPIN MO NALANG ANG KAGUSTUHAN NIYANG HINDI KA MAGSIMBA. Which is isang patunay na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay HINDI TUNAY O HINDI BUO. Dahil lang sa nagkakasala ka ulit e tatalikuran mo na ang Diyos hindi bat dapat kapag nagkakasala ka e “MAS LALO MO DAPAT ILAPIT ANG SARILI MO SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PAGSISIMBA”? Parang sa Trabaho maliit ang sahod mo kulang ito para sa Family mo anong gagawin mo? Mag bubusiness ka hahanap ka ng ibang part time job mag aabroad ka etc. Diba? magpupursige ka para lalong lumaki ang pera mo na pang tulong sa Family mo.
 
Ganon din sa pananampalataya kung Kulang ang Tuwing Linggo na pag sisimba para maging mabuting tao ka edi gawin mong araw-araw kung kinakailangan mo ng Spiritual guidance anjan ang mga Pari open sila jan anytime. Kung kinakailangan mong mag member sa isang Parokya maging Choir member, lector and commentator then Go.
 
2. PWEDE NAMANG MAG DASAL NALANG AKO SA BAHAY
 
Sagot: Oo naman sino bang nagsabi na “HINDI PWEDENG MAGDASAL SA BAHAY”. Baka ikaw lang? JOKE LANG KAPATID!
 
Praying at Home is a Good practice to start but “WE NEED TO GO CHURCH EVERY SUNDAY OR WHENEVER WE CAN”. Dahil ang lahat sa mundong ito ay mayroong tamang lugar at panahon hindi sa kung saan saan lang.
 
Ngayon ang Diyos si Cristo ay nagkatawang tao HINDI LAMANG UPANG TAYO AY ILIGTAS kundi upang ituro sa atin ang tamang paraan ng Pag Samba sa Diyos.
 
Dapat nating Tandaan ang sinasabi ng Bibliya, sa (Hebreo 12:28) “Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot.”
 
Dahil gusto ng Diyos na sambahin siya sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot at hindi sa ating sariling paraan o kagustuhan lamang.
 
Ang kagustuhan ng Diyos ang parating dapat masunod hindi ang sarili nating opinyon, o ang sarili nating nais.
 
3. BESIDES MAS MASASAMA PA NGA YUNG MGA TAONG SIMBAHAN MINSAN E MAY PARI PA NGA NANG RAPE.
 
Sagot: Mayroon namang katotohanan yung kasabihan ng mga hindi active sa simbahan na “minsan kung sino pa yung nasa kabanalan ay may tinatago palang kademonyohan”.
 
Ang ganitong klaseng pananaw ay malinaw na wala talaga sa kanya ang Diyos. Kung nagkakasala pa din tayo kahit nagsisimba tayo. Edi lalo na kung hindi tayo nagsisimba, sa tuwing hindi tayo pumupunta sa tahanan ng Diyos. Nagkakasala tayo. 🙂 at atin pong kinakalimutan ang Panginoong Jesus sa tuwing hindi tayo nagsisimba bakit?
 
“At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGALAALA sa akin. – 1 Corinto 11:24
 
Sabi ni Cristo – “Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. GAWIN NINYO ITO BILANG PAG-ALAALA SA AKIN.” – Lucas 22:19
 
See pag alala pala yun e bakit meron ding bang nagaganap na paghahati – hati ng tinapay na sa bahay sa kwarto at pinuntahan niyo? at kahit hindi na masimba ay okay lang? malinaw na isang pagkalimot sa panginoon ang ginagawa ninyong hindi pagiging active sa simbahan kahit sinasabi niyong nasa isip niyo ang Diyos e pasensyahan dahil iba ang kagustuhan at paraan ng Diyos sa pag alaala sa kanya, marahil ito siguro ang diyos niyo.
 
“Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang TIYAN, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang KAHIHIYAN, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa. – Filipos 3:19
 
Regarding naman sa Paring nangrape and so? Kaya nga inaalis ng Simbahan ang Pari na yun sa pagka Pari pag napatunayan na 100% nga niyang ginawa yun at kung kinakailangang ikulong ipapakulong.
 
AT TANDAAN MARAMI RING MGA PASTOR AT PINUNO NG IBANG SEKTA ANG MAY KASO NG GANYAN HINDI LANG NABABALITA KASI HINDI YUN MAGTETRENDING DI KATULAD NG PARI. BESIDES TAO PA DIN ANG PARI KAHIT ANONG GAWIN NINYO TAO SIYA TAO ANO MANG PAGKAKATAON LALO LALO SIYANG TUTUKSUHIN NG DEMONYO.
 
AT ANG PARI, RELIHIYOSO AY HINDI NAGING TULAD NG DIYOS NUNG SIYA AY NAGING PARI AT RELIHIYOSO SIYA NANATILING TAO DIYOS LANG ANG PERFECT.
 
Ngayon ang mga taong pinipilit na magpakabuti magpakabanal ay malamang sa malamang ay ito ay SINUSUBOK NG DIYOS kung ang pagiging relihiyoso ba nila o pagpapakabanal ay my limit ibig sabihin na kapag my tukso na, sila ba ay matutukso o iiwas sila para sa kanilang pag ibig sa Diyos? YAN AY TINATAWAG NA PAGSUBOK.
 
Parang ang Panginoong Hesus wala naman sigurong tututol kung sasabihin kong ang Panginoong Hesus ay Banal, pero tinutuksyo siya ng Demonyo Ngunit sympre hindi siya nagpatukso (Lucas 4:1-13). 🙂
 
4. TAPOS MGA MAPANGHUSGA SILA
 
SAGOT: MY KATOTOHANAN NGUNIT SINO ANG LUBHANG NAGIGING MAPANGHUSGA DIBA ANG MGA TAONG HINDI PALA SIMBA? NAGBIBISYO AT WALANG PAGBABAGO? DAHIL LAGI NILANG SINASABI NA YUNG MGA TAONG SIMBAHAN PA ANG MGA GUMAGAWA NG KALOKOHAN.
 
Pagiisip ng tama: Ang mga taong ayaw magsimba ayaw magpakabuti ayaw magpakabanal para sa Diyos. Sa tingin niyo ba kayo ay susubukin pa ng panahon? Malamang sa malamang ay hindi dahil kayo ay maaring hawak na ng masamang panahon dahil kayo mismo ay ayaw niyong magpakabuti para sa panginoon.
 
Dapat alalahanin: Ang pagbabago ay maraming proseso at kadalasan ay matagal. ISA sa daan ng pagbabago ay ang Pagsisimba kada linggo na kahit walang dahilan kundi tanging Pag ibig mo lamang sa Diyos ang dahilan ng iyong pagsisimba. Isa yan sa dahilan of course kasama ang pagsasabuhay gumawa ng mabuti sa kapwa dahil hindi sapat ang FAITH LAMANG. Dapat Faith with Goodworks.
 
Ngayon, ang tanong dito para kanino ka ba nagsisismba? PARA BA SA MGA TAONG SIMBAHAN NA MAKASALANAN PA DIN O DAHIL SA MAHAL MO ANG DIYOS AT NAGSISIMBA KA DAHIL ITO ANG GUSTO NIYA?
 
#MAGSIMBA #CATHOLICCHURCH
Share this:

Leave a Reply