CATHOLIC FUND CATHOLIC WEALTH TOTOO NGA BA ITO? BY: ADMIN COCO

Photo Image: nteb-mudflowermedia.netdna-ssl.com

Catholic Fund Catholic Wealth totoo nga ba ito?

Maraming tao ang nagbibigay ng kani kanilang mga opinion sa Social Media at kinukwestyon ang simbahan na diumanoy mayroon itong Catholic Fund o Catholic Wealth?

Sa mga giliw na taga subaybay ng aming munting pahina hayaan po ninyong bigyan natin ng sagot ang kanilang paratang tungkol dito.

1. Saan napupunta ang mga donasyon sa Simbahan?

Ang sagot ay depende po iyan sa mga proyekto ng isang Diocese o ng Isang Parokya hindi kasi iisa when it comes to money matter like example ang RCAM o Roman Catholic Archdiocese of Manila hawak niya ang Radio Veritas pag dating sa fund ay hindi, independent sila kaya ang sagot depende yan kung ano ang programa ng isang parokya o diocese however each diocese has its own bank account, and usually it’s a local account. Every Parish Collections will be given to the diocese. Aside from schools, orphanages, homes for the aged, hospitals, May mga suweldo din ang mga Church workers. Pambayad ng electricity, water. Church workers include teachers sa catholic schools, nurses sa hospitals, caregivers sa homes for the aged.

Ngayon bakit ganoon na Independent ang bawat Diocese at mga Parokya pagdating sa pera? Simple lang ang sagot That’s for the protection, For example: pag may kaso tungkol sa labor ang Veritas, funds lang ng Veritas ang magagalaw; hindi magagalaw ang funds ng RCAM. Bakit? Kasi ang funds ng RCAM galing sa donasyon ng parishioners. Pag kinasuhan ang Veritas, hindi madadamay ang pera ng RCAM so hindi damay ang buong Simbahan.

2. Pera ng lahat ng Dioceses and Parishes sa buong mundo pinapadala sa Vatican Bank?

Huwag po tayong magpapalinlang sa ganitong klase ng istilo ng ibang sekta na sinasabi nila na pumupunta ang pera ng mga bawat Parokya sa buong mundo iyan po ay HINDI totoo.

Gaya nga ng aking sagot sa Question number 1. Each diocese has its own account, and usually it’s a local account. Yung mga collection ng mga Parokya sa isang Diocese of napupunta sa Diocese Bank. Hindi sa Vatican Bank at lalong hindi sa Catholic Fund dahil wala pong Catholic Fund. Kaya po kung napapansin ninyo may mga simbahan napaka gaganda my mga simbahang ang pangit-pangit ay dahil sa ganon nga po napupunta ang pera ng bawat simbahan hindi po napupunta sa Vatican Bank yung Vatican Bank po na yun kung magkano man po ang laman nun ay galing lang po iyon sa mga taong nagdodonate sa Vatican hindi po iyan galing sa pera ng bawat diocese sa buong mundo kaya nga po ang Mahal na Santo Papa ay tinatawag ng Bishop of Rome at yung mga donasyon na nandun sa Vatican Bank ay galing lang mismo sa mga nagbibigay ng offering sa Vatican.

KAYA MALINAW NA WALANG TINATAWAG NG CATHOLIC FUND OR CATHOLIC WEALTH IYAN AY ISANG KASINUNGALINGAN AT WALANG MATIBAY NA EBIDENSYA.

Sa mga nagkakalat po ng Tsismiss na my Catholic Wealth or Fund ito po ang talata na para inyo.

‘Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito’. – Juan 8:44

Share this:

One Comment on “CATHOLIC FUND CATHOLIC WEALTH TOTOO NGA BA ITO? BY: ADMIN COCO”

  1. I learned something from this post. But I’m not satisfied because there are no sufficient evidence or link that will prove that the fund on the particular parish is seperated from the other.
    I’m not so demanding but you should add some links to justify that. 🙂
    God bless DCF.

Leave a Reply