HINDI NGA BA TALAGA TAKOT SA DIYOS ANG CBCP? SAGOT SA MAPANLINLANG NA HEADLINE NG BULGAR NEWS PAPER

Makikita po natin sa Front Page ng Bulgar News Paper na nakasulat ang mga katagang ‘Kung sa Diyos wala kaming takot SA’YO PA DUTERTE!’ – ARCHBP. VILLEGAS

Ngunit kung babasahin natin ang nilalaman mismo ng bulgar ito ang ating mababasa.

capture

Ang sabi po sa nilalaman ay ito

“We are only afraid of sin, we are not even afraid of God because I know God loves me so much, I have no reason to be afraid of Him.” – Ani Villegas sa forum kasama ang isang pahayagan.

You can read the whole article to this link: http://www.bulgar.com.ph/index.php/2017/02/14/

Ang masasabi ko lang sa mga giliw na taga subaybay ng social media ay dapat na po tayong Masanay. Nakilala po ang Bulgar sa pagiging ‘browsebait’ (for lack of a better term). Karamihan po sa mga headline ng News Paper na iyan ay talagang kagulat-gulat at kataka-taka ngunit sa pag binasa mo ang nilalaman ay hindi naman ganon ang pinapahiwatig.

Anya nga ni Kuya Kim ‘Maging mapanuri mapagmatyag mapangahas Matanglawin’.

Share this:

Leave a Reply