Is Mary Mother of God? Roman Catholic VS. Fundamentalist! By: Admin Francisco de Sales

Source: https://www.catholiccompany.com

Catholic: Mary is indeed the Mother of God!

Fundamentalist: (Nag-iba ang timpla ng mukha) Huh? Mary is the Mother of God? So parang ganito: Mary is Mother of God, Trinity is God, therefore Mary for you is Mother of the Trinity! Blasphemy pala yang pinapaniwalaan ninyo…

Catholic: No, not like that. Hahaha. When we say na si Maria ay Ina ng Dios we mean that Mary is the mother of the second person of the Trinity which is God the Son, dahil sa tatlong persona ng Trinidad ang Dios Anak lamang ang nagkatawang tao, hindi ang Ama o ang Espiritu Santo man? The second person of the trinity is God, pero hindi sya ang Trinity.

Fundamentalist: Ibig sabihin kung si Maria ay Ina ng Dios, ibig sabihin sya ay dapat dios din dahil para maipangak nya ang Dios dapat dios din sya. So polytheistic pala ang paniniwala nyo.

Catholic: Nope again. Dahil wala kaming aral na Dios si Maria. Hindi namin sinasabing ang pagkaDios ni Cristo ay nanggaling kay Maria, we believe that Jesus is eternally begotten of the God the Father before all ages, that Jesus is God from God (the Father), Light from Light, true God from true God, begotten by God the Father, not made and consubstancial with the Father. And that for our sake and for our salvation, born of the virgin Mary… Dapat mong tandaan that Mothers give birth not the natures but the Person. Halimbawa, ipinanganak tayo ng nanay natin, pero hindi sa kanya nanggaling ang kaluluwa natin kundi sa Diyos, but nung ipanganak nya tayo, ipinanganak tayo ng mga nanay natin as persons, meaning with body and soul na. Sa kaso naman ni Mary as the Mother of God, ipinanganak ni Maria ang Persona ni Cristo, katawang lupa, kaluluwa kalakip na duon ang pagkaDios na mayroon sya nuon pa, kaya Mary give birth to God the Son the second person of the trinity….

Fundamentalist: Basta! Kahit anong palusot mo di ko matatanggap na ina ng Dios si Maria!

Catholic: Ah ok, so siguro dahil masyadong malalim at malawak yung simula natin, pasimplihen natin. Simulan natin sa isang simpleng tanong muna. IS JESUS GOD?

Fundamentalist: Yes, Jesus is God!

Catholic: Ok. Nung si Jesus ay batang musmos pa, yung bata bang iyon ay Diyos na talaga?

Fundamentalist: Oo Dios!

Catholic: Yung sanggol na nasa sabsaban, nung sanggol pa si Jesus, Diyos na ba sya nun?

Fundamentalist: Oo Diyos nga sya nun!

Catholic: E paano nung isang buwan palang si Jesus sa sinapupunan ng nanay nya Diyos na ba sya nun?

Fundamentalist: Ano ba yang mga tanong mo! Oo Dios nga!

Catholic: Sorry ah, pero isa nalang…kung yung ipinagdalang tao pala ni Maria sa kanyang sinapupunan ay si Jesus, na Diyos na nagkatawang tao, so yung ipinanganak ba ni Maria ay Diyos o hindi?

Fundamentalist: (medyo napalunok ng lawa) Well, Diyos yun di ko itatanggi.

Catholic: So if Mary give birth to the God incarnate, IS MARY MOTHER OF GOD?

Fundamentalist: No! MARY IS JUST THE MOTHER OF THE MAN JESUS! NOT THE DIVINE JESUS!

Catholic: Kita mo na, Nestorian Heretic ka na ngayon brad. Kanina sabi mo Dios yung ipinanganak bakit ngayon kumakabig ka ata?  Ilang Cristo ba ang meron dapat?

Fundamentalist: Iisa lang dapat.

Catholic: So kung iisa lang meaning iisang persona. at sa iisang personang iyan ay kapwa nakapaloob ang dalawang natures ni Cristo, Human and Divine (hypostatic union)! Di mo pwedeng sabihin na iba yung taong Jesus sa Dios na Jesus, mali ka nun, dahil si Jesus ay isang persona lang. Kaya pag sinabi naming ipinanganak si Jesus ipinanganak ang Dios, nang magutom si Jesus ay nagutom ang Dios, nang mauhaw sya ay nauhaw ang Dios, dahil ang Dios ay nagkatawang tao. Halimbawa nang sabihin ni Jesus duon sa paralitiko: ” Naniniwala ka bang kaya kitang pagalingin?” Hindi naman niya sinabi na “Naniniwala ka bang kaya kang pagalingin ng pagkaDios ko?” Hindi ganun e, kasi nga si Jesus ay isang Persona with two divine natures, thus he is true God and true Man. Di mo pwedeng paghiwalayin yung two antures nya, dahil kung ganun ang gagawin mo aaminin at tatanggapin mo na dalawa ang Kristong kinikilala at sinasamba mo, which is heresy yun.

Kaya nakita mo na, when you deny that Mary is the Mother of God, malalagay sa malaking Question mmark sino ba si Cristo, na talagang sobrang mapanganib.

Ad Majorem Dei Gloriam!
Soluta Est Veritas!

Subscribe to our YouTube

Channel: http://www.youtube.com/c/DefendtheCatholicFaithVanguardsofT…

Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/defendcatholicfaith

Follow us on Twitter: https://twitter.com/DCFVanguards

Visit our website: http://defendthecatholicfaith.pcriot.com/

LIKE AND SHARE!

#DCFApologetics #SolutaEstVeritas #DCFOnFire #Amen

Share this:

Leave a Reply