JAZZTIN LEYVA DE LA CRUZ: DATING AGLIPAYANO, NAUTO NI SORIANO, SUMAMA SA JIL BORN AGAIN NGAYON CATHOLIC DEFENDER NA!!!

Jazztin Leyva Dela Cruz

February 2014 ng malaman kong darating sa bayan ng Pililla Rizal ang Imahe ng Mahal na Poon Hesus Nazareno ng Quiapo, nabalitaan kong magkakaroon ng Kumpilang Bayan sa aming Parokya, Napagdesisyunan namin ng aking nanay na akoy i pa Kumpil.

Kaya agad akong nagpalista ngunit akoy hinanapan ng Baptismal Certificate, kaya agad akong Lumapit sa Secretarya ng Simbahan upang hingin ang aking Baptismal ngunit wala silang Nakitang Record ko na dun ako bininyagan.

Umuwi ako sa bahay para tanungin ang aking Nanay kyng saan ako pinabinyagan ang sagot nya ay Sa KATOLIKO anak kaya bumalik ako sa simbahan upang kulitin ang secretary na hanapin mabuti sapahkat hindi pwedeng wala. Hanggang sa Tinanong ko ang Lola ko kung saan po ako bininyagan ang sagot nya, ” ANAK SA AGLIPAY KITA DINALA. Sapagkat duon na daw sya nagsisimba nuon pa. Ang buong Pamilya namin ay purong Katoliko sa kasamaang palad ako lang ang bukod tanging Binyagang Aglipayano.

Kinalakihan ko na ang pagigibg Aglipayano, naaalala ko pa nuon nung kami ay nag tuturumba sa aglipay dahil sa Bata palang ako hinubog na ako ng lola ko sa Pag aaral ng Rosaryo at pagde debosyon sa Mahal na Birhen. Sumapit ang Araw na Kailangan na ng Lola ko na Lumuwas at dun muna manirahan sa Examiner Quezon City sa Kaniyang Tiyahin sa katoliko na ako nagsisimba at nahinto na rin ang pagsasayaw ko ng Turumba.

Naging sakristan din po ako sa Simbahang katoliko ngunit ng mapanuod ko si Eliseo Soriano akoy humanga sa kanyang pagbatikos ang Aral nya ay Labis kong hinangaan dahil sa SINABI NYANG MASAMA DAW ANG PAG GAWA NG REBULTO at PAGSAMBA kaya mejo nanghina ang akin paniniwala sa Katoliko. Dahil sa Pangyayari iyon, Napagpasyahan ko na wag na muna magsimba upang akoy mag suri.

Napasama na rin ako sa mga Born Again JIL dahil sa gusto kong maliwanagan. Dahil sa Nahikig na rin ako sa pagbabasa ng bible. Nanuod ako ng Debate sa Youtube nakita ko kung paano ipagtanggol ng mga CFD‘S ang Simbahan. hanggang sa pag ba browse ko sa you tube napanuod ko po ang KNOW THE TRUTH TV MARIA Hosted by Fr. Abe Arganiosa and Atty Bro. Mars Llasos ang kanilang tinalakay ay about sa Rebulto at Purgatoryo na Takiwas sa Aral ni Soriano mag mula nun bumalik ako sa paniniwalang katoliko at naging inspirasyon kung bakit ako nagtatanggol ng simbahan ngayon.

Taon 2017 Easter Vigil ako poy na binyagan sa Simbahan katoliko upang tuluyan ng maging KRISTIANO KATOLIKO AT UPANG MAGING LECTOR AND COMMENTATOR NG AMING PAROKYA. 

Isama pa rito ang pag Attend ng CFD National Convention last May 27-28, 2017 sa Sienna College. Andami kong natutunan at nais kong magsama ng ilang pang mga kabataan upang hindi sila makuha sa Loob ng Pastulan ng ating Panginoon. Masarap, Masaya at nakaka Blessed ang pag sama sa CFD Convention hindi lang sa marami kang makikilala na CFD na napapanuod mo lang sa youtube at nakakasama lang sa debate through Facebook ay nakita ko na sa Personal at mas naipaliwanag in deep explanations ang mga bagay na Hindi ko masyadong Naiintindahan.

Jazztin Leyva de Castro baptized into the Catholic Church Easter 2017.

Source: http://thesplendorofthechurch.com/2017/06/01/jazztin-leyva-de-la-cruz-dating-aglipayano-nauto-ni-soriano-sumama-sa-jil-born-again-ngayon-catholic-defender-na/

Share this:

Leave a Reply