Limang bagay na nakikita sa atin ng mga Protestante sa ating mga Katoliko pero hindi nila nakikita sa kanilang Sekta.

Photo Image: i.ytimg.com

1. Demonyo o Masasama daw ang mga Pari natin.

Iyan! Iyan ang usual nilang bintang sa ating mga Pari. Kesyo rapist daw sila, magnanakaw daw sila. Mga kapatid ko kay Kristo, hindi lahat ng Pari ay pare-pareho. Oo aaminin ko, merong mga paring hindi maganda ang ugali, hindi naman natin iyon maiiwasan eh. Tao pa rin naman kasi ang mga pari. Gumagawa din sila ng kasalan. Eh yung mga Pastor niyo? Banal ba sila? Hindi ba sila gumgawa ng mga kasalanan? Usually nga mas matitindi pa ang mga pastor niyo kung gumawa ng kasalanan eh.

2. Noong Katoiko daw sila hindi daw sila Christian, pero noong umalis sila sa pagiging Katoliko naging Christian na daw sila.

As if naman mga kapatid! Baka nakakalimutan ng mga Protestante na tayong mga Katoliko ang pinakaunang Kristiyano bago pa sila dumating at sumulpot na mag-aangkin na sila lang daw ang mga Christians.

3. Paggalang kay Mama Mary.

Ito! Isa pa ito sa mga nakikita nila sa ating mga Katoliko. Ang paggalang natin kay Mama Mary. Binabastos nila ang Mahal na Ina. Hindi nila alam na ang Paggalang kay Mama Mary ay katumbas ng Paggalang at pagmamahal sa mga magulang lalong-lalo na sa kanilang mga ina.

4. Nangngolekta daw tayo sa misa. At nagpapabayad daw tayo para sa mga Sacraments.

Naman! Hindi po sapilitan ang pangongolekta sa misa. Voluntary po iyon. Kung magkano ang gusto mong ibigay wala iyong problema sa simbahan basta galing iyon sa puso. Atsaka yung pagbabayad sa binyag, patay at mga kasal para iyon sa maintenance ng simbahan. Yung iba nga may 10% pa eh at sapilitan pa.

5. Sinungaling daw lahat ng mga Katoliko at sumasamba daw tayo sa mga diyos-diyosan.

Kakasawa bes! Ulit-ulit? Wala na bang bago? Isip naman kayo ng ibang ibabato niyo sa amin kasawa na eh. Kami sumasamba sa diyos-diyosan? Kailan pa? Hindi yata kami nainform about diyan bes? As if naman no! Kayo nga may Anghel at Appointed pa.kayo.

Mga kapatid namin kay Kristo, bago niyo kami tirahin nang tirahin siguraduhin niyo munang reliable yang mga sources niyo at please lang paki-trace naman ang history niyo from the time of the apostles up to the time of Jesus. At nang may panghawakan naman kayo.

Isang paalala mula kay San Mateo.
“Blessed are you when others revile you and persecute you and utter all kinds of evil against you falsely on my account.
Matthew 5 :11

Dominus Vobiscum et Pax Vobis!

-Admin Sikolohistang Tagapagtanggol

 

Share this:

Leave a Reply