SAGOT SA ILANG KUMENTO NG MGA MIYEMBRO NG INC1914 PATUNGKOL SA PAG BIBIGAY NG PASUGPO AY ESTE PASUGO SA MAHAL NA SANTO PAPA FRANCISCO.

2323

Ang ilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo 1914 ay nagpunta sa Roma at naglakas loob pa diumano na bigyan na Pasugo Magazine ang Mahal na Santo Papa Francisco sympre dahil mabait ang Santo Papa ay hindi naman niya ito tinanggihan. Umani ng samutsaring komento ang nasabing pangyayari sa social media particular sa Facebook Fanpage ng INC1914 ito ang ilan sa mga kumento.

16837928_1456702817674773_1798428799_n

Ating pong bigyang kasagutan ang mga ilang kumento na nasa picture sa itaas.

Para kay Divino Duban – Para sabihin ko sa iyo kapatid matagal na pong alam ng Santo Papa Francisco ang totoo kaya nga po hanggang ngayon nasa Simbahang Katolika pa din siya kahit sa kabila ng pang uusig ninyo dito. Kasi malinaw ang nakasaad sa Bibliya sa ‘Mateo 16:18 na Kahit ang pintuan ng mga patay ay hindi makapananaig laban sa Iglesia’. Ibig sabihin ang Simbahang Katolika ay hindi masisira nino man kahit pa kayo dahil si Cristo ang nagtatag nito and don’t worry God already give Pope Francis the wisdom to defend the truth at yun ang nasa Santa Iglesia Katolika na wala sa inyo.

Para naman kay Yul Flores – Ginoo, sabi mo ang Pasugo ay ‘God’s Message’ nako kapatid para atang hindi mo alam ang sinasabi mo o baka dahil na din sa hindi ka nagbabasa ng Bibliya? Alam mo ba kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pasugo? Ito basahin po natin!

‘Siyang nagsusugo ng PASUGO sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan’. – Kawikaan 26:6

Ayan mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo malinaw pa po sa sikat ng araw na ang Pasugo po ninyo ay hindi gawa nang kamay ng Diyos kundi kamay ng isang mangmang.

At Para naman kay Aaron James. – Oo nga binigyan niyo nang pasugo ang tanong babasahin ba ng Santo Papa yan? Baka mamaya itapon nalang yan jan sa tabi-tabi alam niyo bang napakaraming IMPORTANTENG DOKUMENTO ang binabasa ng Mahal na Santo Papa Francisco araw-araw? Kaya wala na siyang panahon pa para bigyan ng panahon yan. At kung basahin man niya yan surely ako matatawa lang siya dahil maiisip niya na itong sekta pala na ito ang isa sa gumaya o nangopya sa katuruan ni King Arius na si Cristo ay hindi Diyos kundi Tao lamang!

Para sa mga INC para sa inyo ang talatang ito.

‘Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod para kay Cristo na Panginoon natin, kundi para sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap’. – Roma 16:18.

Para sa mga Kapatid ko namang Katoliko wag po kayong mabahala sa ganitong pangyayari bagkus maari tayong Maawa o Matawa sa kanilang ginawa. Bakit? Ang tingin nila sating mga Katoliko ay demonyo ngunit sila ang lumapit sa Demonyo. E diba’t malinaw na isang Ka impokrituhan ang kanilang ginawa? At besides sa taas nang pinag aralan ng Mahal na Santo Papa Francisco hinding hindi niya papatulan ang mga yan.

Share this:

Leave a Reply