SAGOT SA ISANG POST NG UNIVERSITY SECRET FILES TUNGKOL SA ITIM NA NAZARENO!

BY: Admin Coco, Apologist

Makikita natin sa Link na ito na my isang post mula sa University Secret Files​ na binabatikos ang Traslacion ng Itim na nazareno at ang Simbahang Katolika tignan ang original post dito: University Secret Files 

Kung ating nabasa ang post makikita natin na hindi kaaya aya ang post na ito at Libo libong tao na ang nailigaw ng post na ito. Ating sagutin ang mga sumusunod na paratang mula post.

1. MALI NA TALAGA NA GAWIN NILANG DIYOS ANG GAWA LANG NAMAN NG KAMAY NG TAO.

Tama ang sinabi mo na mali na gawing Diyos ang gawa lang naman ng kamay ng tao kahit ako at ang mga Pari naming ay 100% tutol na sumamba at gawing Diyos ang mga gawa lamang ng kamay ng tao, kaya nga matinding tinututulan ng Simbahang Katolika na Sambahin ang mga rebulto ayon sa Catechism of the Catholic Church isang Dokumento na naglalaman ng mga Doktrina o katuruan ng Simbahang Katolika paragraph 2113

“Idolatry not only refers to false pagan worship. It remains a constant temptation to faith. Idolatry consists in divinizing what is not God. Man commits idolatry whenever he honors and reveres a creature in place of God, whether this be gods or demons (for example, satanism), power, pleasure, race, ancestors, the state, money, etc. Jesus says, “You cannot serve God and mammon.”44 Many martyrs died for not adoring “the Beast”45 refusing even to simulate such worship. IDOLATRY REJECTS THE UNIQUE LORDSHIP OF GOD; it is therefore incompatible with communion with God.

Anong sabi? “IDOLATRY REJECTS UNIQUE LORDSHIP OF GOD” malinaw na malinaw na mismong ang Simbahang Katolika ay tutol sa pag samba sa ginawa lamang ng kamay. Pero kapatid ikaw na nagpost na ito mukhang hindi ata nauunawaan ng lubos ang Ibig sabihin ng “IDOLATRY” sinabi din sa paragraph 2132 ng CCC “THE CHRISTIAN VENERATION OF IMAGES IS NOT CONTRARY TO THE FIRST COMMANDMENT WHICH PROSCRIBES IDOLS. Indeed, “the honor rendered to an image passes to its prototype,” and “whoever venerates an image venerates the person portrayed in it.”70 The honor paid to sacred images is a “respectful veneration,” not the adoration due to God alone:

Dagdag pa natin:
RELIGIOUS WORSHIP IS NOT DIRECTED TO IMAGES IN THEMSELVES, considered as mere things, but under their distinctive aspect as images leading us on to God incarnate. The movement toward the image does not terminate in it as image, but tends toward that whose image it is.

2. HINDI AKO NAGBABASA NG BIBLE PERO YANG PAGSAMBA NILA SA REBULTONG YAN? NAPAKALAKING KASALANAN YAN SA DIYOS.

Kaya naman pala hindi mo alam ang iyong sinasabi nanggaling na mismo sayo na hindi ka nagbabasa ng Bible kaya naman pala hindi mo alam na ang Dios mismo ay nagpagawa ng imahen. Basa: “At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. – Exodus 25:18-19,

Nakita mo? Ibig bang sabihin e ang Diyos ay walang isang salita? Kasi ayon sa Exodus 20:4 e pinag bawal niya ang imahen tapos umangat lang ng ilang chapter binawi na ng Diyos agad ang utos niya? Hindi ganon kapatid God is not a God of confusion siya ay Diyos na mayroong isang salita.

Dagdagan pa natin:

AT SI MOISES NA ALAGAD NG DIYOS AY GUMAWA NG TANSONG AHAS

“At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” – Bilang 21:9

Nakita mo na? Ang Diyos mismo ang nagpagawa ng Imahen, at si moises na kanyang alagad ay gumawa ngunit hindi nagalit ang Diyos sa kanyang ginawa. So paano mo ngayon sa akin mapapatunayan na mali ang pag gawa ng Imahen lalo ang itim na nazareno kung ang Diyos at ang kanyang alagad ay gumawa noon? Ibig bang sabihin ay mas magaling pa ang iyong kaalaman kaisa sa Diyos o di kaya ky Moises?

3. SABI NG IBA HINDI NAMAN DAW NILA SINASAMBA YUNG MGA REBULTO PERO ANONG TAWAG NIYO SA GINAGAWA NIYONG YAN?

Talaga ngang hindi mo alam ang iyong sinasabi kapatid, sabi mo “ANONG TAWAG NIYO SA GINAGAWA NIYONG YAN?”, kung ang prosisyon ang tinutukoy mo yan ay my mga batayan sa bibliya basa:

“PINASAN ITO ng mga Levita sa PAMAGITAN NG MGA KAHOY NA PAMBUHAT, ayon sa iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.” – 1 Chronica 15:15

“Kaya’t tinawag ni Josue ang mga pari ng Israel at sinabi sa kanila, “DALHIN NINYO ANG KABAN NG TIPAN NI YAHWEH; mauuna ang pitong paring may dalang mga trumpeta.” At sinabi naman niya sa mga taong-bayan, “Lumakad na kayo! Lumigid kayo sa lunsod, AT PAUNAHIN NINYO SA KABAN NG TIPAN NI YAHWEH ang mga sandatahang lalaki.” – Josue 6:6-7

“O God, your MARCH OF TRIUMPH IS SEEN BY ALL, the PROCESSION OF GOD, my KING, into his SANCTUARY. The singers went on, the musicians after them, In the midst of the maidens beating tambourines” – Psalms 68:24-25

4. NAGSASAKITAN KAYO PARA LANG MAHAWAKAN YANG ITIM NA YAN.

Aba sympre naman kapatid magkakasakitan talaga millions of people ang nandun, pero kung mag iisip ka ng tama bakit pagka my concert million katao ang nasasaktan dun ah kagaya sa concert ng mga artista, my mga nagbabalyahan dun at nasasaktan mahawakan lang yung artista. Bakit hindi mo sila tirahin at sabihing sinasamba yung artista na yun? Ganon din naman yun nagbabalyahan mahawakan at mahalikan lang yung artista na yun my namamatay din nga minsan.

5. LALO NA KONG NA-BEASTMODE DUN SA BABAENG ININTERVIEW SA BALITA.

Reporter: Anong oras na kayo nandito? Hindi ba kayo napapagod?

Babae: Masaya po kami na makita ang itim na Nazareno dahil siya ang Diyos namin at tagapagligtas.

Sagot: Tama naman ang sinabi nung babae “Diyos nila ang nazareno at tagapagligtas” hindi naman niya sinabi na Diyos niya ang Imahen ng Itim na nazareno, wala siyang sinabing ganon therefore maling conclusion mo lamang iyon.

6. BAKIT HINDI NA LANG SIYA MAGDASAL NG TAIMTIM SA DIYOS KAYSA MAKIPAGSAKITAN SIYA SA MGA DEBOTONG YAN.

Sino ba ang nagsabi na hindi pwedeng magdasal nalang ng taimtim? Ikaw ba o yung deboto na sinabi mo? Diba’t ikaw lang ang nagsabi nyan? Kasi nga hindi mo alam ang iyong sinasabi basta kana lang nag post at hindi nag aral ng mabuti kasi nga sabi mo hindi ka nagbabasa ng Bible.

7. NAGSASABI LANG AKO NG TOTOO, KUNG MAY NASAKTAN MAN DIYAN, YAN ANG TINATAWAG NA TRUTH HURTS. NO HATE JUST LOVE.

Walang nasaktan sa sinabi mo alam mo ang sure ako? MARAMI ANG NATATAWA AT NAAAWA SA POST MONG YAN. Dahil pinakita mo ang kababawan ng pang unawa mo sa mga bagay bagay na nangyayari sa mundong ito. NO HATE JUST LOVE? HAHA asan ang love sa ginawa mong yan e iyak ka nga ng iyak sa sobrang inggit at hate mo sa mga deboto ng nazareno e samantalang nakinabang ka din naman sa holiday nyan dahil kung taga manila ka nakinabang ka din kasi walang pasok dun. Hindi ka nagpapahayag ng Totoo pinapahayag mo ay mga kathang isip lamang at kasinungalingan.

PARA SA IYO ANG MGA TALATA NA ITO:

Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba. – Mga Kawikaan 26:28

Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya’y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. – Juan 8:44

Yan para sa nagpost at sa mga taong galit sa mga deboto ng itim na nazareno ang mga talatang yan.

Share this:

Leave a Reply